Kung kami ay isang grupo ng rebolusyonaryo, unang-una, bubuo kami ng mga plano laban sa masamang pamamalakad ng administrasyong Arroyo, hindi sa pamamagitan ng dahas kundi sa matalinong pamamaraan at pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. Alam na alam naman natin na ang kasalukuyang pamamalakad ni Arroyo ay labis-labis na ang kahirapang dulot lalong-lalo na sa mga mahihirap na wala nang kaginhawaang natatamasa at masyadong mababa ang posibilidad na maiahon pa ang ating kalagayan. Sinasabi niya at halos ipinagpipilitan pa na siya ay nag-aalala siya sa kalagayan ng bansa ngunit wala siyang aksyon na ginagawa, kung baga, puro lang siya salita, kulang naman sa gawa!! Isa pa, wala rin siyang ginagawa upang masupil at matanggal sa puwesto ang mga kurakot na opisyal na walang pakundangan sa pagkamkam ng pera sa kaban ng bayan na dapat sana ay para sa ikabubuti ng mamamayan at ikauunlad ng bansa. Pero hindi imposible na magkaganon ang mga opisyal dahil ganon din naman ang ginagawa ng nakatataas. Kaya ang aming gagawin ay isulong ang karapatan ng mga mamamayan at sugpuin ang korupsyon.
ANG PAGKAMATAY BA NI ANDRES BONIFACIO AY MAKATARUNGAN O KARAPAT-DAPAT? BAKIT NIYO NASABI?
Bonifacio Day
Bonifacio Monument by Guillermo Tolentino, 1933
cast in bronze, Kalookan City
Para sa amin, ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay hindi makatarungan dahil lumalabas na siya ay pinagkaisahan sa antas ng edukasyon na meron siya na kung saan hinusgahan siya at hindi siya binigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang kakayahan na gampanan ang kanyang tungkulin bilang direktor ng interior. Isa pa, bago magsimula ang eleksyon, napagkaisahan na kung ano ang desisyon ng karamihan ay pinal at hindi na mababago. Ang bintang sa kanya na treason at sedition ay walang sapat o matibay na ebidensiya at hindi sapat na magpapatunay na siya ay makasalanan kaya ang ang pagbilanggo at paghatol sa kanya ng kamatayan ay hindi makatarungan. Isa pa, ang tingin sa kanya ni Aguinaldo ay isang potensiyal na panganib sa bagong tatag na asembliya na kung saan maaari silang mag-aklas kung kaya siya ay pinatay. Masasabi bang makatarungan ang kagaguhang ito? Ang pagsakdal sa hindi naman nagkasala? Napaka-unfair naman nito sa panig ni Bonifacio kasi siya ang orihinal na nagtatag ng katipunan.
SANG-AYON BA SI JOSE RIZAL O HINDI SA REBOLUSYON? BAKIT NIYO NAISIP? TAMA BA SIYA?
Si Jose Rizal ay sumuporta sa rebolusyon sa panahon nila pero para sa kanya hindi pa panahon para isagawa ang isang rebolusyon sa kadahilanang hindi pa sapat ang mga armas at hindi pa gaanong preparado o kulang pa sa preparasyon ang panig ng mga magsisipag-aklas. At isa pa, ayaw niya o natatakot siya na marami ang madamay na inosenteng tao dahil sa malaki ang posibilidad na ang rebolusyunaryo ay matalo sa pakikipaglaban at marami ang magbuwis o masayang na buhay. Ang kanyang kaalaman sa kasaysayan ng rebolusyon sa ibang mga bansa ang siyang nagbigay-daan sa kanyang paniniwala na ang rebolusyon ay walang silbi hanggat ang mga rebolusyunaryo na kahit papaano ay may maipangtatapat na armas laban sa mga kaaway. Para sa amin, tama lang ang kanyang pananaw. Siyempre, nakataya dito ang buhay ng karamihan, ng mga inosente, at ang paglaya ng bansa kaya kung mag-aaklas na lang naman, dapat handa at kompleto sa armas, sa mga plano at higit sa lahat, ang pagkakaisa upang masiguro ang panalo.