Ang Pagtatag Muli sa Gobyerno ng Commonwealth
Tatlong araw bago ang A-Day noong Oktubre 23,1944 habang ang mga putok ng baril ay naririnig pa rin sa paligid, ang gobyerno ng commonwealth ay naitatag muli. Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa hagdan ng Leyte Provincial Capitol Building, si Heneral MacArthur ay inihayag ang naitatag na Gobyerno ng Pilipinas kasama si Presidente Osmeña. Naggawad ng parangal ang 30 sundalo ng 5th cavalry sa pamumuno ni Lt. John Gregory at binasa ang opisyal na proklemasyon ni Lt. Gen. Richard K. Sutherland. “To the Color” ang ipinatogtog sa mga bugle, at sabay na itinaas ang bandila ng Amerika at Pilipinas sa gilid ng gusali. Si Colonel Kangleon ay ginawaran naman ng Distignuished Service Cross.
Isa sa unang opisyal na gagawin ng Pressidente Osmeña ay ang paghalal kay Colonel Ruperto Kangleon bilang Gobernador ng Leyte, Dr. Arturo B. Rotor, sekretarya ng Presidente, ay inutusan na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa pagtayo ng mga hospital at child centers. Brigadier General Carlos P. Romulo, bilang comisyoner ng Pilipinas sa Estados Unidos ay binigyan ng karagdagang trabaho ng Secretary of Public Instructions, sa paguutos na buksan ng lalong madaling panahon ang mga pampublikong paaralan sa mga liberated areas. Hindi pa natatapos ang 3 linggo nagbukas ang leyte high school.
Ang unang paaralan na nagbukas ulit ay ang Holy Infant Academy Building at linipat sa Casalla Building.
President Sergio Osmeña at ang kanyang mga kabinete sa Tacloban. Sa Kaliwa at kanan: Colonel Mariano Eraña, judge advocate; Ismael Mathay, budget at finance commissioner; Major General Basilio J. Valdez, chief of staff. Philippine Army; President Osmeña; Brigadier General Carlos P. Romulo, resident commissioner at secretary of public instruction: Dr. Arturo B. Rotor, presidential secretary at Colonel Alejandro Melchor, adviser on military affairs.
Noong Philippine Commonwealth Government noong 1944 sa pamumuno ni Presidente Sergio Osmeña, Sr. Sinimulang itayo ang Kapitolyo noong 1917 sa administrasyon ni Gobernador Salvador K. Demetrio, at natapos noong 1924 sa administrasyon ni Gobernador Honorio Lopez. Ang orihinal na istruktura ay binago pinalaki at pinaganda 40 taon bago manalo kagobernador Si Norberto B. Romualdez Jr. noong 1964.
Makikita dito ang dalawang iskulptura sa pader na inilalarawan ang pagdating ni MacArthur dito sa Leyte noong ika 20 ng Oktubre 1964 kasama si Presidente Diosdado Macapagal habang ang unang misa naman ay naganap noong Marso 31, 1964 ni Ambassador Fernando Lobao de Carvalbo ng Portugal at si Marquis de Aumon ang representante ng Gobyerno ng España.
Ang unang 80 taon ng pananakop ng mga Espanyol ay taon ng pagdadalamhati at pagdadasal, sanduguan ng mga datu at paglalakbay. Pagkatapos sinundan ng paghahanap ng mga isla na matitirhan. Napakaliit na impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Leyte sa pagitan ng 1700 at 1900, noon ang mga katutubo ay binindisyonang maging kristyano.
Sa panahong ito ang dokumento ng gobyerno tungkol sa ating kasaysayan ay talagang kunti lang. Sinasabi na ang Leyte ay ngasimula noong 1622. Ang simpleng istruktura ng gobyerno ng encomenderos ay nagbigay daan sa alcalde mayor, corregidores at tenientes. Nagsimula ang politiko-militar sa Leyte na kasama ang Samar, noong 1735. Naghiwalay lamang ang politika ng dalawang probinsya noong 1768. Noong 19th century ang Leyte ay nasa third class na probinsya sa 28 pueblos.
Ang kapital ng Leyte ay nagbago maraming beses bago ang Tacloban na ngayon ay isang siyudad at ang permanenteng kapital ng Leyte. Wala masyadong dokumento ang probinsya ng mga pinuno bago mag 1831. Pagkatapos ang mga sumusunod ay ipinapakita ang pagbabago ng authoridad political:
Gabriel Lavallino.........................Sept. 2, 1831
Manuel Laya.............................................1839
ALCALDE MAYOR
Victorino Lopez Llanos..............................1842
Pedro Nalleg y Barrutel.............................1844
Venancio M. Pizon.....................................1848
Jose Torre y Busquet ...............................1853
TENIENTE DE GOBERNADOR
Luciano Borromeo.....................................1856
Juan Martinez Polo....................................1856
Evaristo del Valle.......................................1857
Vicente Bouvier.........................................1858
Salvador Elio.............................................1859
Fransisco Herrera Davila...........................1861
ALCALDE DE GOBERNADOR
Juan Muiz y Alvarez...................................1862
Miguel Ruiz Perez......................................1863
Joaquin Dalman.........................................1864
COMADANTE POLITOCO-MILITAR
Domingo Fernandez Imbert.......................1866
Juan Sevaillano.........................................1868
Pablo Galaa..............................................1870
Eugenio Garcia Ruiz.................................1872
Joaquin Jironza.........................................1873
Jose Fernandez Teran..............................1876
Victor Sanz Cantero..................................1882
Alfonso Gonzales Wovellas.......................1885
Jose Quesada...........................................1887
Jose Gil de Avalle......................................1889
Luis Prats Bandrajen.................................1890
Fransisco Fernandez Bernal.....................1893
Teodorico Feijoo.......................................1895
Fernando S. Juarez...................................1897
COMANDANTE
Gabriel Galza............................................1898
GOBERNADOR de CIVIL
Catalino Tarcela.......................................1898
Vicente Lukban........................................1898
Ambrocio Mojica.......................................1898
GOBERNADOR de MILITAR
Arthur Murray...........................................1899 - 1901
GOBERNADOR de CIVIL
Henry Allen..............................................1901 - 1902
Joseph Grant...........................................1902 - 1904
Peter Borseth..........................................1904 - 1906
PILIPINONG GOBERNADOR
Jaime de Veyra........................................1906 - 1907
Vicente Diaz............................................1907- 1908
Francisco Enage.....................................1908 - 1910
Pastor Navarro........................................1910 - 1912
Jose Veloso.............................................1912 - 1916
Julian de Veyra........................................1916 - 1917
Salvador Dementrio.................................1917 - 1919
Eugenio Jaro...........................................1919 - 1922
Salvador Dementrio.................................1922 - 1924
Honorio Lopez.........................................1924 - 1927
Vicente de la Cruz...................................1928 - 1934
GOBERNADOR NG PHILIPPINE COMMONWEALTH
Antonio Marcos.......................................1935 - 1936
Rafael Martinez.......................................1936 - 1940
Bernardo Torres......................................1940 - 1942
Pastor Salazar.........................................1943 - 1944
Ruperto Kangleon...................................1944 - 1945
Salvador Demetrio...................................1945 - 1946
GOBERNADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS
Mamerto Ribo.........................................1946 - 1949
Catalino Landia......................................1949 - 1950
Mamerto Ribo.........................................1950 - 1951
Bernardo Torres.....................................1952 - 1957
Ildefonso Cinco.......................................1958 - 1963
Norberto Romualdez, Jr..........................1964 –